Sa Alpha Career College, pangunahing priyoridad namin ang kalusugan at kaligtasan ng aming mga estudyante, staff at kasamahan habang patuloy nating hinaharap ang kawalang-katiyakan ng pandemyang ito ng COVID-19.
Patuloy kaming mananatiling ganap na operational at gagawin namin ang higit pa sa inaasahan para isagawa ang mga kinakailangang pag-iingat upang mapanatiling ligtas ang lahat at mapabagal ang pagkalat ng virus. Gayunpaman, nananatili kaming dedikado at tapat sa pagbibigay sa aming mga estudyante at kliyente ng parehong de-kalidad na serbisyo na tumulong sa amin na bumuo ng tiwala sa aming komunidad.
Magkakasama tayong lahat dito, at ginagawa namin ang lahat upang mabawasan ang abala sa propesyonal at personal na buhay ng aming team.
Para sa iyong kaginhawahan, idinagdag namin ang link sa ibaba upang manatili kang updated:
Kung mayroon kang anumang tanong o alalahanin tungkol sa aming pagtugon sa outbreak, mangyaring tumawag sa amin sa aming regular na oras o mag-email sa communications@alphacareercollege.com
Salamat sa iyong pag-unawa at pakikiisa. Mag-ingat palagi.
Lubos na gumagalang,
Marketing and Communication Team ng Alpha Career College.



